Isa sa mga favorite kong pakinggang sa Radyo5 ay ang Relasyon. Magkasunod yan lagi, mula Relasyon, Wanted sa Radyo then Cristy Ferminute.
Relasyon ang pakingkan mo kung gusto mong magkaroon ng idea tungkol sa batas dahil sasagutin lahat ni Dean Mel Sta. Maria (Far Eastern University-Institute of Law Dean) ang mga katanungan mong may kinalaman sa batas.
Pero dahil nag-se-senior moments na Si Dean Mel, madalas inuulit nya ung mga sinasabi nya para makabuo ng sentence. Wala namang problema un. Naiintindihan natin un pero ayos lang. Pero kung absent si Dean Mel, ung mga professors nya sa FEU ang hahalili sa kanya. Ang favorite kong hahalili sa kanya ay si Atty. Paul Castillo. Ang galing din kc magsalita. Deretso at convincing.
Ewan ko ba, after mag leave ni Luchi Cruz-Valdes (LCV) eh hindi na sya bumalik hanggang ngaun. Dahil kaya sa mababang ratings? Pwede din. Ang lahat kc ng programa ng Radyo5 ngaun ay napapanood din sa kanilang Facebook Page na Radyo5 at mapapansin mo tlga na nasa hundreds lang ang views dito araw-araw compare sa Wanted sa Radyo na thousands lagi. Gayon pa man, ang humahalili sa kanya ay ang Radyo Station Manager na si Gladys Lana-Lucas. Pero iba padin talaga kapag si Luchi ung nakakasama ni Dean Mel kc namomoderate o napapaliwanag ng maayos ni LCV ung mga tanong na minsan hindi naiintindihan agad ni Dean Mel kc si Gladys kc wala lang, basa lang sya, minsan nauuna pa syang magpayo (paulit-ulit naman kc ang questions, kahit ako kaya ko na ding sagutin ung karamihan. LOL)
Ang Relasyon ay napapakingkan sa Radyo5 Monday-Friday 12NN-2PM pero kapag may PBA, nagbabago ang schedule nagiging 12:30PM-2PM nalang. Usually ang PBA tuwing Wednesday and Friday.
Update:
June 4, 2018 official ng pinalitan ni Ms Gladys Lana-Lucas si LCV sa Relasyon. Sad kc gusto ko padin ang tandem na LCV at Atty. Mel.