Girlfriend For Hire [2016]

January 21, 2018

Starring:
Yassi Pressman as Nami Shanaia San Jose
Andre Paras as Brylle Caleb Stanford

TV Premiere: ABS-CBN 2

Sa intro ng movie, mukhang maganda kc kinaiinggitan sya ng ibang mga students kc naman, sya lang naman ang girlfriend (kahit hindi totoo) ng tagapagmana ng School na pinapasukan nya kaso dahil sa malamyang acting (or masyado lang mataas expectations ko), wala na. Walang kalatoy-latoy.

Na excite lang ako pagpasok ni TJ Silvero (Clint Bondad) kc naman bes, ang gwapo. I think si Donnalyn Bartolome ang nakikita kong umarte talaga na na-convince ako sa role nya (bukod sa mga matatanda tulad nina Ara Mina at Ronaldo Valdez).

Siguro kung napanood ko to sa sinehan, nagwawala na ako sa inis at panghihinayang sa pera ko. Pero siguro ibang usapan kapag idol ko sina Yassi Pressman at Andre Paras kaso hindi eh kya magsisisi talaga ako. Buti nalang talaga hindi ko to napanood ng may bayad.

Pero in fairness naman, kumita ang movie na to ng PHP83.6M, oh diba? So madaming nagandahan. Ako lang ang hindi.

Rate: 1/5

L-R: Shy Carlos, Andre Paras, Yassi Pressman and Clint Bondad

Jumanji: Welcome to the Jungle [2017]



January 19, 2018
Cinema 2, SM Megamall, Manadaluyong City

Starring:
Dwayne Johnson as Dr. Smolder Bravestone, Spencer's avatar
Jack Black as Professor Sheldon "Shelly" Oberon, Bethany's avatar
Kevin Hart as Franklin "Mouse" Finbar, Fridge's avatar
Karen Gillan as Ruby Roundhouse, Martha's avatar

Price: PHP265.00

Noong una hindi ko masyadong bet ang movie na to. Feeling ko lang kc hindi maganda. Buti nalang may nag-aya. Usually kc, kapag may nag-aya sa akin, kahit gaano ka sobrang antok, go lang.

Hindi ko na maalala ang naunang Jumanji. Ewan ko kung napanood ko ba un dati o hindi, wala tuloy akong mapagkumparahan. Gayon pa man, tuwang-tuwa ako sa movie na to. Kasi naman ang gwapo ni Nick Jonas bes. Nainggit tuloy ako kay Jack Black (Professor Sheldon "Shelly" Oberon, Bethany's avatar) kc nakahalikan sya. Hayz, ako nalang sana nag CPR sa kanya, feeling ko hihimatayin ako pag mangyari un.

Grabe bes, hanggang ngaun, mukha padin nya nakikita ko. Wala man lang syang bad angle, lahat pogi. Nakakabaliw kagwapuhan nya. Hindi naman kc sya kasali sa billing kya hindi ko alam na nandon pala sya kya hindi ako nagka-interest masyado sa movie na to. Si The Rock lang kilala ko sa apat na nasa billing. At hindi ko pa sya masyadong gusto.

Pero in fairness, nakakatuwa si Dwayne "The Rock" Johnson (Dr. Smolder Bravestone, Spencer's avatar) dito. Feel na feel eh. Effortless. Hindi mo nga maramdaman na umarte kc natural na natural panoorin. Sobrang nakakatuwa.

Siguro kung nagbabalak kyong manood at kung may chance kyong panoorin ung naunang Jumanji, gawin nyo para meron kayong pagkumparahan. Although sequel ito, malaki pading pinagbago sa nauna kc kailangan nyang mag-adjust sa kung anong uso at kung anong maaring pagkaintirisan ng mga bata.

Rate: 5/5

The Commuter [2018]


January 13, 2018
Cinema 3, Ayala Malls Feliz

Starring:
Liam Neeson as Michael MacCauley

Price: PHP230.00

Ito ang first movie na napanood ko this 2018. First time ko din sa sinehan na to.

Ang huling movie napanood ko si Liam Neeson ay sa Taken 3. At medyo hindi ko na maalala ang story pero one thing is for sure, nagustuhan ko mga action movies ni Liam kya ko to pinanood.

Hindi naman ako nabigo dahil natuwa ako sa napanood ko. Ang weird ng concept pero dahil set-up sya, masasabi kong ang galing ng nag set-up. Ang galing pero questionable. Una, madami syang mata pero hindi nila kaya i-identify ang target. Kya nyang i-manipulate ang tren at kayang pumatay ng kung sino-sino lang, hindi lang kung sino-sino lang bagkos kaya nyang patayin lahat ng nakasakay sa tren. Pero sa dulo, hindi din naman malinaw kung sino tlga ang nasa likod ng lahat ng 'to at kung sino tlga ang naglalaro sa kanila.

Nagbasa ako ng mga ibang reviews ng mga tunay na critics, ang dami nilang napuna lalo na ung paggamit sa mga ibang artista kesyo hindi nagamit ang kanilang talent at nasayang lang ung appearance nila kc halos dumaan lang sila, boom, exit na. Buti nalang pala wala akong ibang kilalang artista kya hindi ako nanghinayang sa kanila. Hahaha

To be honest, ang buong kwento lang naman kc ay tungkol sa paano ma-survive ni Michael MacCauley (Liam Neeson) ang situation na napasubo nyang pasukin kya hindi na talaga kailangang gamitin ang ibang mga artista base sa mga kakayanan nila o kasikatan nila (hindi sila sikat kc hindi ko sila kilala.. buwahahaha).

Hindi ko alam bakit ako napaluha sa dulo eh hindi naman to drama. Ang OA ko lang. Gusto kong mag clap clap sa dulo kaso walang pumalakpak kya hindi na din. Baka mapahiya lang ako. Hahaha

Rate: 5/5
Ang pangit lang talaga manood ng movie ng solo. Wala kang makausap tungkol sa napanood mo. Mas lalong pangit kung ang katabi mo ay pumasok lang para matulog at humihilik pa ng malakas. Sarap sampalsampalin eh. Kung hindi lang malaking mama, tinapunan ko na ng basura un. Kainis.

Ang sinehan sa Ayala Malls Feliz ay maganda sana kaso walang CR sa loob. Lalabas ka pa ay medyo malayo layo ang CR pag nasa cinema 3 and 4  ka. Pero in fairness naman sa CR, ang lawak. Ang daming cubicle, at ang daming urinal. Siguro nga kc covered nya ang 4 cinemas kya siguro ganun kalaki. Binawi lang.