January 13, 2018
Cinema 3, Ayala Malls Feliz
Liam Neeson as Michael MacCauley
Price: PHP230.00
Ito ang first movie na napanood ko this 2018. First time ko din sa sinehan na to.
Ang huling movie napanood ko si Liam Neeson ay sa Taken 3. At medyo hindi ko na maalala ang story pero one thing is for sure, nagustuhan ko mga action movies ni Liam kya ko to pinanood.
Hindi naman ako nabigo dahil natuwa ako sa napanood ko. Ang weird ng concept pero dahil set-up sya, masasabi kong ang galing ng nag set-up. Ang galing pero questionable. Una, madami syang mata pero hindi nila kaya i-identify ang target. Kya nyang i-manipulate ang tren at kayang pumatay ng kung sino-sino lang, hindi lang kung sino-sino lang bagkos kaya nyang patayin lahat ng nakasakay sa tren. Pero sa dulo, hindi din naman malinaw kung sino tlga ang nasa likod ng lahat ng 'to at kung sino tlga ang naglalaro sa kanila.
Nagbasa ako ng mga ibang reviews ng mga tunay na critics, ang dami nilang napuna lalo na ung paggamit sa mga ibang artista kesyo hindi nagamit ang kanilang talent at nasayang lang ung appearance nila kc halos dumaan lang sila, boom, exit na. Buti nalang pala wala akong ibang kilalang artista kya hindi ako nanghinayang sa kanila. Hahaha
To be honest, ang buong kwento lang naman kc ay tungkol sa paano ma-survive ni Michael MacCauley (Liam Neeson) ang situation na napasubo nyang pasukin kya hindi na talaga kailangang gamitin ang ibang mga artista base sa mga kakayanan nila o kasikatan nila (hindi sila sikat kc hindi ko sila kilala.. buwahahaha).
Hindi ko alam bakit ako napaluha sa dulo eh hindi naman to drama. Ang OA ko lang. Gusto kong mag clap clap sa dulo kaso walang pumalakpak kya hindi na din. Baka mapahiya lang ako. Hahaha
Rate: 5/5
Ang pangit lang talaga manood ng movie ng solo. Wala kang makausap tungkol sa napanood mo. Mas lalong pangit kung ang katabi mo ay pumasok lang para matulog at humihilik pa ng malakas. Sarap sampalsampalin eh. Kung hindi lang malaking mama, tinapunan ko na ng basura un. Kainis.
Ang sinehan sa Ayala Malls Feliz ay maganda sana kaso walang CR sa loob. Lalabas ka pa ay medyo malayo layo ang CR pag nasa cinema 3 and 4 ka. Pero in fairness naman sa CR, ang lawak. Ang daming cubicle, at ang daming urinal. Siguro nga kc covered nya ang 4 cinemas kya siguro ganun kalaki. Binawi lang.
No comments:
Post a Comment