BuyBust [2018]


August 11, 2018
Ayala Malls Feliz Cinema 3 (Seat J8)
Marcos Hi-way cor Amang Rogriguez Ave., Pasig City 

Cast:
Anne Curtis as Nina Manigan
Brandon Vera as Rico Yatco
Victor Neri as Bernie Lacson
Arjo Atayde as Biggie Chen
Nonie Buencamino as Detective Alvarez
Lao Rodriguez as Detective Dela Cruz
Alex Calleja as Teban
Levi Ignacio as Chongki
Ricky Pascua as Solomon
Joross Gamboa as Manok
Sheenly Gener
Mara Lopez
AJ Muhlach
Tarek El Tayech
Maddie Martinez
Nafa Hilario
Ian Ignacio
Mikey Alcaraz

Directed by:
Erik Matti
The Story
OMG, this is not my cup of tea. Nakz! Makagamit lang ng phrase na un. Hahaha.. Ganda kc pakinggan. Pero totoo, hindi ko gusto ung story line at kung paano ito na-deliver.

Most of the fight scenes are not convincing. So weak execution. Maybe because of the Hollywood movies or even TV Series like Quantico or Agents of S.H.I.E.L.D. that I've watched. Still no match. What do I expect? It's a local movie. But in all fairness, this is far better from other local action movies I've seen so far, so kudos.

Pero nako naman, anong nangyari sa bulletproof vest ni Manigan (Anne Curtis)? Bakit nawala along the way? Para ba makapaghubad? To be honest, hindi ko na nasundan paano nawala ang vest nya kc nakatakip ako ng mata tuwing may fight scenes kc ang lamya talaga. Hindi mabenta sa akin.

Distracted pa ako doon sa isang nawang babaeng agent bukod kay Manigan. Hindi ako convince sa acting nya. At may close-up shot pa doon sa abandon building. Kaloka. Sana si Mara Lopez nalang ung iniwang babae. Mas magaling pang umarte.

The Actors
I must say, level up si Anne Curtis dito. Ang tatas na nyang mag-Tagalog. Walang accent. May angas din talaga. Si Brandon Vera din, walang accent. Kahit na konti lang lines nya. Para siguro hindi masyadong mapuna ung accent nya. Pero naman, ung pakikipagsuntukan nya, halatang nagpipigil. Dahil siguro sa laki ng katawan nya at ung mga susuntukin nya mga bulinggit. Hahaha

The Best Part
The best ung scene na lumabas si Biggie (Arjo Atayde). Sa fight scene doon, doon naman ako bilib kay Anne. If double man un, still, convince ako sa paghampas-hampas nila sa character. clap clap ako doon. Plus, ang galing talaga ni Arjo. Tatatak talaga ung itsura nya buong film. Kasi siguro sya ang pinaka importanteng character sa kwento.

Verdict
Hindi ko masyadong gusto. Kung hindi siguro ako nakakapanood ng mga Hollywood movies or TV Series, maybe maganda na to. Pero kc kung sa Pilipinas lang din, wala akong mapagkumparahan dito masyado kc parang first time to na babae ang bida sa isang action film. First time nga ba? Basta to my small knowledge, first time to kya sa mga foreign actors ko lang talaga to maikukumpara.

Ratings: 3/5 ★★★☆☆

No comments:

Post a Comment