Aurora [2018]


September 27, 2019 on Netflix

Starring:
Anne Curtis as Leana
Marco Gumabao as Ricky
Mercedes Cabral as Delia
Allan Paule as Eddie
Andrea Del Rosario as Celine
Phoebe Villamor as Rita


Actors and Story:
I wonder kung bakit to kumita. Hmmmm.. Ang pangit ng storyline. Kung sa sinehan ko to napanood baka nagsisi ako paglabas. Buti nalang sa Netflix ko lang to napanood. Okay naman pampalipas oras. Pero isa lang masasabi ko, ang ganda ng shots. Lalo na ung sa mga shots sa bangka, ang astig talaga ng mga shots na un. 


Verdict:
Maganda lang ung shots. Un lang. Ang latoy ng istorya at mga eksena. Tapos ung nakita lahat ng bangkay? Paano nangyari un? Pumasok nalang lahat sa bahay ang mga bangkay, ganun? Ang labo.


Ratings: ★☆☆☆☆

Meet Me in St. Gallen [2018]



September 24, 2019 on Netflix


Starring:
Carlo Aquino as Jesse Abaya
Bela Padilla as Celeste Francisco
Actors and Story:
Para sa akin, may mga eksena na ramdam mong umarte lang tlga sila. Ang ibig kong sabihin na, pinilit ibato ang lines o kya naasiwa ako sa acting. In short, hindi ako convinced. Then some parts are extremely natural as if they're just really talking to a stranger that will make you smile and wonder if is it really possible. If it is, I'd like to experience it as well.

Tsaka, parang inuutusan ako ng movie na to na manood ng isa pang movie na "Celeste and Jesse Forever". Kya hinanap ko ngaun sa Netflix, wala naman, kya, sorry nalang ako.

Verdict:
Maganda sana kaso ayaw ko sa plot. Parang ang weird lang kasi isipin na nag-aantayan ung mga characters sa isa't isa, yet noong naging bakante na ang isa, ung isa naman ang hindi pwede. Mahal nila ang isa't isa kaso ayaw naman nilang ipaglaban.

SPOILER ALERT: For the entire movie, 3 beses lang silang nagkita with years of gap! Kaloka!

Wait, na-mention ko ba na sobrang gwapo ni Carlo dito? Alam kong gwapo na sya dati pa pero parang mapatitig ka sa kanya dito eh. Ung tipong didikit mata mo sa mga ngiti nya. Sa mga labi nya. Ewan. Panoorin nyo na nga lang kung pareho ba tayong maramdaman. LOL! Basta, sobrang gwapo ni Carlo dito. Maiba lang. Hahaha


Ratings: ★★★☆☆

Sanggano, Sanggago't Sanggwapo [2019]



September 09, 2019
KCC Mall Zamboanga
Seat: N/A
Price: PHP130.00

Starring:
Janno Gibbs, Dennis Padilla, Andrew E. 

The Story/Actors:
Gosh, ito na yata ung pinaka-nakakautas panoorin na movie. Ung tipong mapapamura ka kung bakit ka napasok sa sinehan. Kc sa sobrang classic ng mga jokes, di ko alam kung matatawa ako o maiinis. Siguro ung nagustuhan ko lang sa buong movie, ay ung sinasakal ni Janno si Andrew E. kc ung gumanap na flashback sa kanya ay si Julian Trono. Un lang, then the rest is just a full of waste of time.

Ang lame ng story line. Ang bobobo ng mga characters. Ung tipong, siguro sa panahon noon, nakakatawa un, pero sa panahon ngaun, nakakabagot na. Ung tipong mapapatakip ka nalang sa mukha, "ano ba tong napanood ko?"


Verdict:
Nakakasising panoorin kung sanay ka manood ng mga meron may sense na comedy pero kung oldies ka ang mahilig sa classic movies, palagay ko swak to sayo. Buti nalang mura ung sine sa Zamboanga kya hindi masyadong masakit sa bulsa.


Ratings: ★☆☆☆☆

No wonder, ang hater ng dating ng review ng Rappler.