Suki ka ba ng Starbucks? Napuntahan mo na ba ang Starbucks Session Road Baguio? Napuntahan ko ito noong Linggo lang, June 24, 2012. Nagulat at nagalak naman ako kc di ko na kailangang pumunta ng SM Baguio o di kya Camp John Hay para mag-coffee.
Siguro naman you will agree with me na ang mga staff ng Starbucks Baguio are more courteous than any other Starbucks branches around Philippines? Marami na akong napuntahan na Starbucks dito sa Pilipinas, di man lahat pero sa mga napuntahan ko ay spesyal ang Baguio staff para sa akin. Dahil sila lang ang kakausap syo na para bang parte ka na ng buhay nila. Para bang killala ka na nila o di kya kinikilala ka tlga nila. Kinakausap ka na bilang isang kaibigan at hindi bilang customer. Natutuwa lang ako doon kc hindi makulit. Iba kc ung trying hard na kumakausap syo na tanong ng tanong ng kung ano ano na lumalabas na makulit pero ang mga staff sa Baguio hindi ganun.
Bago lang para sa akin sa Session Road kahit na sinabing noong October 2011 palang sila nag-open pero dahil ngaun lang ako nakabalik dito. Natuwa lang ako kay Kim (staff) dahil sobrang at ease ako sa kanya. Gwapo pa at para bang close na close kami kung makipag-usap sya sa akin. Di mo to madalas makita sa ibang branches. Although ang isa sa mga staff ng Stabucks Veranda, Robinsons Galleria ay may ganung ugali pero iba tlaga ang mga staff ng Baguio. Well siguro nga kc madalas ang bumibisita sa kanila ay mga turista kya spesyal din ang tingin nila sa mga customer nila di gaya ng dito sa Maynila na di mo masyadong ramdam ang connections sa customer.
Kya so far ang paburito kong puntahan at gustong balik-balikan ay Baguio City.
No comments:
Post a Comment