Noong Saturday, June 23, 2012, napadaan kami sa Petron dahil nasiraan kami. Kaya habang nag-aantay ng mekaniko ay nagkape, bumili ng makakain sa SanMig Food Ave sa Urdaneta City. Pero dahil sa habang tumatagal, nawawalan ako ng battery sa cellphone hanggang sa naging drained. Nagtanong ako sa cashier kung pwede mag-charge ng cellphone pero ayaw pumayag. Sinabi ko pang magbabayad ako dahil kailangan lang talaga kc malayo pa ang byahe namin pero ayaw talaga pumayag. Ang tanong ko lang, magkano ba ang nawawala sa inyo sa ilang minuto o oras na pag-chacharge? Wala naman sanang ibang customer para makaabala ang pag-charge. Besides, magbabayad ako.
Ang masasabi ko sa Food Ave na yan, WALA KAYONG KWENTA! Naway magsara na kayo kung di nyo kayang tumulong or kahit papaano sa maantig sa mga nakiusap sa inyo na o di kya sumabay sa uso na tambayan ng mga techie na meron nga cellphone at laptop. Needs na yon ngaun. Kung gusto nyong magpabayad, eh di magpabayad kyo. Di naman kami titira sa inyo eh. At di un kakain ng kuryente na magpapabaon sa inyo. Buti pa ang Caltex sa inyo, nagpapa-charge pa sila. Anong klaseng serbisyo meron kyo. Maganda sana ang lugar nyo kaso napakawalang kwenta naman.
No comments:
Post a Comment