December 12, 2015
First time ko tuloy ma-late sa work dahil sa aberya sa LRT 2 kaninang umaga. Pinababa ang lahat ng pasahero sa V. Mapa Station kc daw babalik na sa Santolan ang tren. Hmmm.. Hindi naman na-explain ng maigi kung bakit. First time ko din tong ma-experience since September 8, 2015 ay araw-araw na akong sumasakay dito. Ang dami tuloy nagalit, nainis at ung iba nag picture-picture pa para status daw. Hehehe. Ung iba gusto ng lumabas ng tren at mag jeep o bus nalang pero pinigilan sila ng lady guard kc daw may dadating pang tren kya nag-wait din ako for 5 minutes pero hindi pa din gumalaw kya nag decide na akong lumabas at maghanap ng jeep. Pero dahil sa daming taong lumabas, mahirap naman ngaun sumakay ng jeep o bus. Buti nalang tlga hindi masama ang gising ko kaya cool parin ako kahit na late na ako sa work.
Comments from other passengers na naka-experience din neto kanina:
Comments from other passengers na naka-experience din neto kanina:
@ADIzeromero Dahil ang LRT ay nasira binaba kami sa VMapa. Late na ako madaming tao sa platform. Ayun nagbus na ako. 😂
— Alyssa Vergara (@alyjenver) December 12, 2015
WALA TALAGANG SILBI LRT FOREVER!!!! NA LATE AKO DAHIL PINABABA LAHAT SA VMAPA!
— Jellie Ann Maraasin (@Jellieaceee) December 12, 2015
imbyerna pa yung mga nagpipicture sa lrt (vmapa station) pang status nila
— Princess G. (@princessgaringa) December 12, 2015
#20151212
Dahil nasira ang #LRT sa #VMapa at walang masakyan dahil sa dami ng sasakay ng #jeep at #bus kya... https://t.co/YrsbMVFgsO
— Encef Fuentes (@encef) December 12, 2015
@GeneviveA23 may sira lrt, dalawang tren pinababa sa vmapa
— Joleen. (@hmmmoleen) December 12, 2015
No comments:
Post a Comment