PBB Teens 4: Splitting the twins

Kagabi lang ang pinakahabang iyak ko dahil kina Joj and Jai. Kc ang kambal sa bahay ni kuya ay paghihiwalayin na. Hindi ko alam kung ang pag-iyak ko ay dahil sa awa, tuwa o lungkot. Basta ang alam ko dahil ito sa hindi na ako masyadong matuwa sa susunod na araw dahil ang kambal lang talaga ang inaabangan ko sa loob ng bahay ni kuya.

Lahat naman yata affected sa biglaang paghihiwalay ng kambal. Ang lighter note lang kagabi ay ang ka-OA-han nina Karen at Myrtle. At syempre ang pagbibilin at pagkumbinsi ng kambal sa isa't-isa na deserving silang manatili ng bahay ni kuya. Ang bibilis kc magsalita kya nakakatuwang panoorin pero kahit na natutuwa ako pero di ko mapigilang mapaluha habang nanonood. Grabe, ito na tlga ang record holder para sa akin sa pinakahabang oras ng pag-iyak dahil sa isang palabas sa TV or movie.

At syempre pahuhuli ba ang mga trending topics? Isa lang to sa mga nag-trend worldwide.
#PBBsuperkalerks

No comments:

Post a Comment