Love Lockdown [2020]


May 19, 2020

Cast:
Jake Cuenca as Jacob
Kylie Versoza as Karen
Angelica Panganiban ad Lesley
JM de Guzman as Allan
Arjo Atayde as Fred
Tony Labrusca as Darren
Sue Ramirez as Abby

Directed by: 
Andoy Ranay
Darnel Villaflor
Noel Escondo 
and
Manny Palo



Sinong mag-aakala na ung pandemic na Covid19 na nagpipigil sa ating lumabas at makisalamusa sa mga tao kahit na sa mga kaibigan mo pa ay makagawa ng isang masterpiece gamit ang isang makabagong paraan sa paggawa ng pelikula. 

Kung si Selena Gomez nakagawa ng music videos gamit lamang ang iPhone, well, ang DreamScape gumawa lang naman ng movie ng walang production crew. Artista mo, sila na din ang cameraman, audio, lighting and make-up artist. Oops, of course with a little help from household help and family members.

Ang masasabi ko lang talaga, wala ng imposible ngayon. Di na excuse na wala kang means. Kailangan lang talaga meron kang idea, at concept, boom, kayang-kaya.


Actors and Story:
Bilib ako sa mga artista sa pelikulang to. Mahuhusay. Napatunayan na naman ni JM de Guzman kung gaano sya kagaling. Sa sobrang galing sya, gusto ko syang bugbugin sa inis sa character nya. Hahaha. Sabi nga nila, malalaman mo daw na mahusay ang artista sa ginampanan nyang role kapag affected ka sa kung anong ginagawa nya. Hands down!

Di ko lang maintindihan ang title, "Love Lockdown" pero parang wala namang love sa tatlong istorya. Or should I say, kung may love man, man nangingibabaw ung masamang pangyayari kesa love. Sana pinalitan nalang ng Lockdown, tinanggal na ang love.

Whatever, di importante ang title. Ang mahalaga na-entertain ako at very satisfied.


Favorite Character:
Darren (played by Tony Labrusca)
Bukod nakaka distract ang kapogian nya, parang ramdam mo ung totoo ung bitaw ng salita nya.

Attracted To The Following Actors:
Of course, Tony Labrusca! Wala ng iba.

Ratings: ★★★★★

Premiered on 15 May 2020 on iWant app

No comments:

Post a Comment