The 5th Wave [2016]

January 22, 2016
Cinema 1, Robisons Movieworld, Robinsons Galleria, EDSA cor. Ortigas Ave., Quezon City

Release date (January 22 - US, January 20 - PH)

I think I need to watch this again, start from the very beginning coz unfortunately napanood ko to nasa gitna na. Medyo hindi ko gusto ang ending kc parang wala namang nangyari. Para sa akin andaming kulang. Malamang hindi ko gusto ang ending kc nabitin lang ako mayado.

Kaya pala parang familiar sa akin si Ben Parish (Nick Robinson) kc pala napanood ko na sya dati dahil sya pala ang gwapong kuya sa Jurassic World. Gwapo parin sya dito at medyo astig na ang mga moves nya (kung meron man).

What I like about this movie:
- Dahil nakita ko ulit si Nick Robinson.
- Dahil cute din si Evan Walker (Alex Roe).

What I don't like about this movie:
- Dahil bitin ang ending.
- Dahil nakatakas naman ang mga aliens.
- Dahil hindi pinakita kung anong nangyari kay Evan Walker.
- Dahil madaming part na madilim na single light lang ung nakikita mo at huhulaan mo nalang kung anong mga nangyari.
- Dahil hindi pinakita kung anong nangyari doon sa mga sinalakay ng mga bata (grupo ni Ben Parish), bigla nalang tumigil ang labanan tapos, anyare? Ewan!
L-R: Nick Robinson, Maika Monroe, Alex Roe and Chloë Grace Moretz
Credits: Columbia Pictures

Bawal Mag-CI sa Massive Sales

January 22, 2016

Tumawag ako sa Massive Sales, Incorporated (+63-2-253-4047) para sana mag conduct ng client investigation kaso bawal daw sabi ng accounting department nila. Hmmmp, anong hiwagang bumabalot sa kumpanya 'to at bawal mag-CI sa kanila? Mukhang may pinagtataguan ang mga 'to. Just saying!

Eh di kyo na ang bawal!

Sad Colombia vs Happy Philippines, Miss Universe 2015

December 22, 2015

Sabi ni Ms Germany ay "None of us voted for Miss Philippines"? How sure are you? Even one? Okay fine, kung wala tlga eh di wala. Hindi naman ibig sabihin nun ay un lang ang dahilan para manalo si Philippines kc po hindi naman nakasalalay sa mga candidates ang buong judgment, part lang kayo sa mga judges. Duh!

Sabi ng mga nakapanood na maraming lumapit kay Colombia pagkatapos ilipat ang crown, at walang lumapit kay Philippines, heller! Mag-isip! Tao ka ba? Between two people around you, a sad one (this time Colombia) and a happy one (Philippines), sino ang uunahin mong damayan? For sure kung may pakiramdam ka at tao ka, uunahin mong lapitan ung malungkot kahit na hindi mo pa sya ka-close na kaibigan kc alam mong mas kailangan nya ng karamay kesa taong masaya.

Mga tao talaga, makahanap lang ng mapag-usapan. Sabagay, it's the perfect timing to bash anyone kasi para may rason ka ng kumampi kung sino ang gusto mong kampihan kc madaming susuporta sayo. Ikaw na!

LRT 2 Santolan Hanggang V. Mapa Station Lang Kaninang Umaga

December 12, 2015

First time ko tuloy ma-late sa work dahil sa aberya sa LRT 2 kaninang umaga. Pinababa ang lahat ng pasahero sa V. Mapa Station kc daw babalik na sa Santolan ang tren. Hmmm.. Hindi naman na-explain ng maigi kung bakit. First time ko din tong ma-experience since September 8, 2015 ay araw-araw na akong sumasakay dito. Ang dami tuloy nagalit, nainis at ung iba nag picture-picture pa para status daw. Hehehe. Ung iba gusto ng lumabas ng tren at mag jeep o bus nalang pero pinigilan sila ng lady guard kc daw may dadating pang tren kya nag-wait din ako for 5 minutes pero hindi pa din gumalaw kya nag decide na akong lumabas at maghanap ng jeep. Pero dahil sa daming taong lumabas, mahirap naman ngaun sumakay ng jeep o bus. Buti nalang tlga hindi masama ang gising ko kaya cool parin ako kahit na late na ako sa work.

Comments from other passengers na naka-experience din neto kanina:





One More Chance [2007]

November 23, 2015

Sabi doon sa mga nakapanood at nag-aabang ng sequel ng One More Chance na A Second Chance ay sinasabi na ito na daw ang pinakahugot-movie na napanood nila. Hmmmp, hindi ko to napanood dati sa sinehan kya lately ko lang to napanood pero isa lang masasabi, disagree. Don't get me wrong, I liked this movie kc kinda nakaka-relate ako or kahit papaano masasabi kong awtz tagos. Disagree ako kc para sa akin so far, ang pinakahugot-movie ay That Thing Called Taghana.

Ang That Thing Called Tadhana kc ang unang Filipino movie na nagpapalakpak sa akin pagkatapos ng show at kahit na sa paglabas ng sinehan ay pinag-uusapan parin kahit nakauwi na ng bahay hanggang sa social media. Sobrang natural lang ung acting pero syempre may OA na part pero hayaan na natin un, Angelica Panganiban un eh.

Pero looking forward ako sa sequel neto na A Second Chance. Kasi this time maried na sila. Sabi nga nila a married life is not easy kc hindi naman po ito na parang kanin na isinubo mo at kung napaso ka ay iluluwa mo lang ng basta-basta kya mas mahaba-habang tiisan to sa isa't isa kc lifetime commitment na ito. Nakakaabang ito kc after 8 years naisipan pa nilang dugtungan ang buhay nina Popoy ay Basha.
Photo credit: Star Cinema

Pinoy Big Brother 737: Kenzo and Bailey

Honestly di ako nakakapanood ng Pinoy Big Brother (PBB) this season kc ung mga kasama ko sa bahay ay ibang channel ang pinapanood. So wala akong choice kundi magkulong sa kwarto kya di ko to nasubaybayan. Until nakita ko ang mga kumakalat ng pictures ng dalawang bagets na sina Kenzo Gutierrez at Bailey May sa facebook sa loob ng bahay ni kuya sa super sweet. Para sa akin (sa akin lang ah, bilang bading), ramdam ko si Kenzo. Ramdam ko sya na any moment mag-out sya sa loob ng bahay ni Kuya. Sya na susunod kay Fifth (Solomon). Walang masama magkagusto sa kapwa kahit sa kapwa lalake lalo pa ngaun na ito hayagan pinayagan, ang gay marriage, sa buong Amerika kya naman boto ako sa kanila. Hindi pala boto, ako'y naiinggit sa kanila kc wala akong lovelife. Nyahahaha

Oops! Madaming tumaas kilay (malamang) sa mga sinabi ko dahil hindi naman ako nanonood ng show, "who am I to judge?" Duh, ramdam nga diba? Kumbaga, amoy ko sya (aso lang ang peg)!
Ahh eto pala yun :D KENZO & BAILEY
Posted by Khenjee Deantonio on Tuesday, June 23, 2015

Jurassic World [2015]

June 26, 2015
Cinema 7, SM Megamall, Mandaluyong City, Metro Manila, Philippines

Ang ganda ng movie para sa akin. Ilang beses din akong napapasigaw sa kaba at nahihingal na parang ako din ay kasali sa takbuhan, makaiwas lang sa dambuhalang genetically-modified dinosaur named Indominus rex. Buti nalang super cute si Zach (Nick Robinson), pandagdag attraction sa movie. Ung tipong mapanganga ka bawat sya ang lalabas sa screen (ang landi!). Ang sweet pa nyang brother. Buti nalang talaga sinama sya sa movie kya ngaun palang aabangan ko na ang next movies nya. Toink!
 Screengrab of Zach Mitchell (Nick Robinson) and Gray Mitchell (Ty Simpkins)